Unang Digmaang Pandaigdi
Pakanan mula itaas: Bambang sa Bunsurang Kanluran; Mark IV tangke habang tumatawid sa isang bambang; pandigmang-barkong HMS Irresistible habang lumulubog matapos makabangga ng mina sa Labanan ng Dardanelles; mga tripulante ng isang masinggang Vickers suot ang kani-kanilang mga gas mask, at mga Alemang eroplanong Albatros D.III
Petsa 28 Hunyo 1914 – 11 Nobyembre 1918 (tigil-putukan)
Tratado ng Versailles nilagdaan noong 28 Hunyo 1919
Pook Europa, Aprika, Gitnang Silangan, Kapuluang Pasipiko, Tsina at sa mga katubigang malapit sa Hilaga at Timog Amerika
Kinalabasan Pagwawagi ng mga Alyadong Puwersa
* Pagwawakas ng mga Imperyong Aleman, Ruso, Austro-Unggaro at Otomano,
* Pagkakatatag ng mga bagong bansa sa Europa at Gitnang Silangan,
* Paglilipat ng mga kolonya ng Imperyong Aleman at paghahati-hati ng mga teritoryo ng Imperyong Otomano sa mga nagwaging bansa, at
* Pagkakatatag ng Liga ng mga Bansa. (marami pang iba...)
Naglalabanan
Mga Alyadong (Magkakasundong) Puwersa
Flag of France Pransiya
Flag of the United Kingdom Imperyong Briton
Flag of Russia Imperyong Ruso (1914–17)
Flag of the United States Estados Unidos
(1917–18)
Flag of Italy Italya (1915–18)
Flag of the Empire of Japan Imperyo ng Hapon
Flag of Belgium Belhika
Flag of Serbia Serbiya
Flag of Kaharian ng Montenegro Montenegro (1914–16)
Flag of Kaharian ng Rumanya Rumanya (1916–18)
Flag of Portugal Portugal (1916–18)
Flag of Kaharian ng Gresya Gresya (1917–18)
Flag of Brazil Brasil (1917–18)
at iba pa...
Mga Puwersang Sentral
Flag of Germany Imperyong Aleman
Flag of Austria Austria-Unggarya
Ottoman flag Imperyong OtomanO
Flag of Bulgaria Bulgarya (1915–1918)
Komandante
Mga pinuno't komandante...
Flag of France Raymond Poincaré
Flag of France Georges Clemenceau
Flag of the United Kingdom H. H. Asquith
Flag of the United Kingdom David Lloyd George
Flag of Russia Nikolas II
Flag of the United States Woodrow Wilson
Flag of Italy Antonio Salandra
Flag of Italy Vittorio Orlando
at iba pa...
Mga pinuno't komandante...
Flag of Germany Wilhelm II
Flag of Austria Franz Jose I
Flag of Austria Carlos I
Ottoman flag İsmail Enver
Flag of Bulgaria Fernando I
at iba pa...
Lakas
Mga Alyadong Puwersa
Flag of Russia 12,000,000
Flag of the United Kingdom 8,841,541
Flag of France 8,660,000
Flag of Italy 5,093,140
Flag of the United States 4,743,826
Flag of Kaharian ng Rumanya 1,234,000
Flag of the Empire of Japan 800,000
Flag of Serbia 707,343
Flag of Belgium 380,000
Flag of Kaharian ng Gresya 250,000
Flag of Portugal 200,000
Flag of Kaharian ng Montenegro 50,000
Kabuuan: 42,959,850
Mga Puwersang Sentral
Flag of Germany 13,250,000
Flag of Austria 7,800,000
Ottoman flag 2,998,321
Flag of Bulgaria 1,200,000
Kabuuan: 25,248,321
Biktima
sa panig ng mga sundalo...
Mga napatay:
5,525,000
Mga nasugatan:
12,831,500
Mga nawawala:
4,121,000
Kabuuan:
22,477,500
...mga karagdagang detalye. sa panig ng mga sundalo...
Mga napatay:
4,386,000
Mga nasugatan:
8,388,000
Mga nawawala:
3,629,000
Kabuuan:
16,403,000
...mga karagdagang detalye.
Ang Unang Digmaang Pandaigdig o Unang Pandaigdigang Digmaan (Inggles:World War I / "WWI" o First World War) ay isang malawakang digmaang pandaigdig na naganap noong mga taong 1914 hanggang 1918. Sangkot sa digmaan ang mga nangungunang bansa ng mundo na noo'y nabibilang sa dalawang magkalabang alyansa: ang mga Alyadong Puwersa at mga Puwersang Sentral. Mahigit sa 70 milyong sundalo ang lumahok sa digmaang ito na pumatay ng tinatayang 9 milyong katao bunga ng mabilisang pag-unlad ng teknolohiya sa pakikibaka. Sa pangkalahatan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ang ikalawang pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.
Naging pangunahing sanhi ng pagsisimula ng digmaan ang pagbaril sa tagapagmana ng trono ng Austria-Unggarya, sa Bosnia na kalaunan ay nauwi sa pagdedelakra ng pakikipaglaban ng mga bansang nasangkot sa digmaan. Kinabibilangan ng Puwersang Entente ang Gran Britanya at ang imperyo nito, Pransiya, Imperyong Ruso, Serbiya, ang Hapon na lumahok noong Agosto 1914, Italya na bumaligtad sa Puwersang Sentral noong Abril 1915 at Estados Unidos noong Abril 1917. Ang Puwersang Sentral sa kabilang banda naman ay binubuo ng Imperyong Aleman, Austria-Unggarya, ang Italya bago ito sumapi sa Pwersang Entente, ang Imperyong Ottoman noong Oktubre 1914 at Bulgarya nang sumunod na taon. Ang ilan namang estado sa Europa gaya ng Olanda, Suwisa, Espanya, Monako at mga estado ng Eskandinabya ay hindi pumanig sa amunang puwersa hanggang sa katapusan ng digmaan.[1][2]
Karamihan sa mga pangunahing sagupaan ng digmaan ay naganap sa Europa. Ilan sa mga lugar na ito ay ang Bunsurang Kanluran (Western Front) na nagsisimula sa Dagat Hilaga na bumabagtas sa kahabaan ng timog Belhika, hilagang Pransya hanggang sa kanlurang Alemanya na sa kahuli-huliha'y nagtatapos sa hilagang Suwisa. Matatagpuan naman sa Rusya at Polonya ang Bunsurang Silangan (Eastern Front), sa hilagang Italya ang Bunsurang Italyano (Italian Front) at ang Bunsurang Masedonyo (Macedonian Front) sa rehiyong Balkan. Sa labas naman ng Europa naganap ang ilan pang mga labanan sa Gitnang Silangan, Aprika, Tsina at Karagatang Pasipiko.[3][4][5][6]
Ang digmaan ay naging sanhi upang bumagsak nang gayon na lamang ang industriya ng mga bansang lumahok dito na nagbunsod sa isang krisis na kung tawagin sa kasaysayan ay ang Matinding Kapanglawan (Great Depression) noong mga taong 1920 hanggang 1930. Nagbunsod din ito sa pagkawasak ng mga imperyo ng Aleman, Austria-Unggaryan, Ruso at Ottoman. Nawalan ng ilang teritoryo ang Alemanya gaya ng Alsace-Lorraine at ng Pasilyong Polonyan. Nahati naman ang imperyo ng Austro-Unggarya sa ilang maliliit na estado gaya ng Tsekoslobakya, ang Austria at Unggarya na mismo samantalang napunta ang Transylvania sa Rumanya, Trieste sa Italya at, Bukovina, Galisya at Silesya sa Polonya. Nakamit naman ng Pinlandiya at ng mga Estadong Baltiko ng Estonya, Latbiya at Litwaniya ang kanilang kalayaan nang magwakas ang Imperyong Rusya na pinalitan ng dating Unyong Sobyet. Pinaghati-hatian naman ng Gran Britanya at Pransya ang mga teritoryo ng Imperyong Ottoman gayundin din ang mga kolonya ng Alemanya sa Aprika at Pasipiko. Pinag-isa ang mga estadong Balkan ng Serbiya, Montenegro, Slovenia, Croatia, Masedonya at Bosnia-Herzegovina na tinaguriang Yugoslabya kasabay ng pagkakatatag ng bansang Turkiya mula sa labi ng bumagsak na kalipato ng Imperyong Otomano.[7][8]
Monday, January 24, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment